I THINK I WANNA MARRY YOU.
SEARCH

ABOUT
Lei.
YanYan.
Leighanne.
Leanne.
Paulinian. Bedan. Thomasian.
BS Computer Science.
3rd year student.
Free Hit Counter

ASK ME ANYTHING

ADS!

NEXT PAGE

So tinuloy ko ule ‘tong Challenge na ‘to.

Dear #J, 

Miss ka na nitong mga labi ko. Nag dadry na nga e. HAHAHAHAHA. Ayun lang, gusto na ule kitang makita ule! Gusto ko na mag pasukan na ayaw. Gusto ko na para makita na kita at para may pera na ule. HAHAHA.

Miss you! 

♥ LEI

(Source: leeeeeyan)

Dear Heart, 

Binibigyan kita ule ng isa pang chance para mag mahal ule. Alam ko maraming beses ka na nabasag at tipong walang bumubuo, gusto ko lang sabihin sa’yo na wag ka mawalan ng pag asa. Panigurado dadarating din yung taong bubuo ule niyang puso mo at kukumpletuhin ka. 

♥ LEI

Dear first time classmates,

Akala ko nun masungit ka ganyan ganyan, pero hindi pala. Mabaet ka. :):):)

♥ LEI

//WALANG MATINONG POST NGAYON GALING SAKIN A? HAHAHAHAHA. :p

(Source: leeeeeyan)

Dear P and M,

Okay, dalawa kayo. Kay P muna, hoy ikaw P. Alam mo yung di na tayo pero sinisiraan mo ko kasi pinagbawalan tayo ni mommy so kailangan kitang iwan? Akala mo hindi ko mababalitaan yang mga kinakalat mo na kung anu ano. Mga kasinungalingan. 

Hoy ikaw M,  ikaw yung bigla mo na lang ako iniwan sa ere, nakipag break sa pamamagitan ng text lang, di mo man lang ako hinayaan para makausap ka ng personal.

Ayun lang nakakalungkot lang. Pero ngayon, eto ako pinatawad ko kayo. Tas kaibigan ko na ule kayo. Hay. Ano ba ‘to. Osiya, wala na ako masabi sa inyo. Sana nag bago na kayong dalawa. Tas kung mag ka girlfriend man kayo. Wag niyo na silang sasaktan, wag niyong papaiyakin. Kasi ang mga babae, minamahal, binibigyan ng importansiya, hindi pinapabayaan, hindi pinapaiyak.

♥ LEI

(Source: leeeeeyan)

As of the moment, no one.

(Source: leeeeeyan)

Dear mas masipag, mas maayos na LEI,

Sana makilala na kita. Sana next sem ako na ikaw. Kasi alam mo yun? Ang tamad tamad ko. HAHAHA. Gusto ko maging masipag yung di tatamarin kapag may exams GANON.

♥ LEI

(Source: leeeeeyan)

Dear friends,

Dalawa lang kaming babae dito na ka age niyong mga lalaki. Natatandaan niyo pa ba nung nag babarilan tayo sa kalye? HAHAHAHA. Tapos uso pa nun yung mga pellet gun, tas kami yung taga kuha nung mga bala na nagamit na. HAHA.

Tapos naalala niyo pa nung medyo malaki na tayo. Gabi gabi nag lalaro tayo ng tagutaguan. Tapos kung san san tayo nagtatago. Nakakatuwa lang kasi pagod na pagod tayo nun. Tas may isa pang time. 3on3 tayo na nag babasketball sa ulan. Ang saya lang nun.

May lakad ako the next day, pero di ako pinayagan nina mommy dahil sa inyo. </3

Ayun lang, neighbors, laro ule tayo ng BANGSAK. HAHAHA. :)

♥ LEI

(Source: leeeeeyan)

Dear Nikki,

Alam mo naman na ikaw yung pinaka bestfriend ko nung grade school diba? Ang lungkot lang kase di na tayo ule nagkita, dahil nga anjan ka na sa Canada. Tapos sa t’wing tatanungin kita kung kelan ka uuwi dito. Lagi mong sinasabi mahal pamasahe.

O basta, kung sakaling umuwi ka dito, PM mo lang ako sa facebook, tapos magkita tayo okay? :D HUG KITA ng sobrang higpit. :D Tas bonding! :D

♥ LEI

//Wala yung picture namin, nasa hard drive ni ate, so ayun.

(Source: leeeeeyan)

Dear ____________,
Ikaw, oo ikaw nga. Ikaw yung pinaka namimiss ko. Ikaw kasi yung taong

♥ LEI

(Source: leeeeeyan)

Dear Gradeschool Classmates,

Gusto ko kayo makita kaso mukhang ayaw ng tadhana na pagkitain tayo. Alam mo yun? Miss ko na kayo, ang lungkot lang kasi di ako nakakapunta sa fair niyo. Kailangan ko lumipat ng school kasi may grade 7 diyan e, masasayang daw yung isang taon ko. Kaya ayun, mag third year na ako, kayo mag 2nd year palang. Pero parang nagkalimutan na. Nakikita ko yung iba sa may Vicente Cruz na jeep, pero di niyo na ata ako naaalala.

Nakakalungkot lang. K. Ang dami kong sinabi. Basta miss ko na kayo. 


//Wala akong pictures nila. Nasa hard drive ng ate ko, tinatamad akong hiramin. 

♥ LEI

(Source: leeeeeyan)

Dear _____________,

Alam kong bitter ka parin sa’kin. Pero sana mapatawad mo na ako, nakakalungkot lang kasi kasi ayun nga pati mga kaibigan natin nadamay dahil ata sa’kin? Dinelete mo rin sila sa fb mo, sana ako na lang diba? Kasi ako naman may kasalanan e.

Ayun lang, alam ko dapat bigyan na muna kita ng time para mawala yang pag ka bitter mo. Balang araw mapapatawad mo rin ako.

Sorry.


♥ LEI

(Source: leeeeeyan)

Dear ___________,

Ayan a? Di ko na sinabi pangalan mo pero may picture ka sa baba. :p HAHAHA. 

Naiinis ako sa’yo. Kasi minahal kita ng sobra sobra, binigay ko buong puso ko sa’yo. Tapos tapos wala sinaktan mo ko, pinaluha mo ko gabi gabi simula nung iwan mo ko. :’( Isipin mo yun, nag hiwalay tayo tapos after nun naging tayo ule. Binigyan kita ng isa pang chance, kaso wala talaga e. Sayang naman yung 2 years ng pagsasamahan natin. :(

Naalala ko lang, kasi nagulat ako at tinext mo ule ako kanina, sakto ka rin e no? E kaso sorry, di na kita mahal. 

Hay. Tanda mo pa ba? Kung paano mo ko iniwan? Incoming 1st year ako nun sa UST, tas ikaw mag 4th year HS palang tapos tapos. Reason mo, hindi ka na masaya sa’kin. At kinakabahan ka kasi di na tayo magkikita masiyado. E loko ka pala e. Alam mo yung wala kang tiwala sa’kin? Porket ba college na, hindi na kita papansinin, Nakakainis ka lang. Promise.


GOOD NEWS: Naka move on na ako sa’yo no. Matagal na! :D
♥ LEI

//Friends, yang pic na yan ay nung GRAD BALL namin, ang cute ko lang jan. Ayaw ko ng color pink, pero yan yung dress ko. HAHAHA. Terno pa kami niyan, tas kamukha ko daw si Chun-Li. :D Wala lang.

(Source: leeeeeyan)

Dear Aj,

Hmmm, Gusto ko lang sabihin sa’yo na crush kita non, Lalo na nung nasa Sabel ka pa. :D Bagay na bagay sa’yo yung role mo dun na pare, kasi ang baet mong anak, girlfriend, kaibigan. Kahit na di kita kilala sa personal. Ayun lang. Hmm. Sana happy ka na kung asan ka man ngayon, for sure nasa Heaven ka na. :D 

Guide us always! :D


♥ LEI


(Source: leeeeeyan)

 stalker(s)