I THINK I WANNA MARRY YOU.
SEARCH

ABOUT
Lei.
YanYan.
Leighanne.
Leanne.
Paulinian. Bedan. Thomasian.
BS Computer Science.
3rd year student.
Free Hit Counter

ASK ME ANYTHING

ADS!

NEXT PAGE

Dapat talaga tapos na ako nung friday pa, nag pa extend pa ako kasi gusto ko pa mag stay dun. :) Di lang dahil sa sweldo, kundi dahil na rin sa mga bagong kaibigang nakilala ko dun. Marami rin naman akong natutunan sa kanila. Lalo na sa mga boss ko dun na sobrang nakakatuwa, oo seryoso sila sa mga trabaho nila, pero kapag kaharap na kaming mga interns, welcome na welcome kami at talagang gusto nilang matuto kami. :)

Eh, mamimiss ko talaga lahat sila. Sina Sir Josh and Sir Mark, Sina Sir Carlo, Mav, Matet, Apa, Kate, Alex and others. Dami namin kasi sa department namin e. 

Gagawan ko nga sila ng wicked oreos e. Yung mga boss, siguro pati na rin yung mga ka OJT ko, kahit na ang dami nila. Bahala na. :)

(Source: leeeeeyan)

Lei: (Kausap sina Sir Mark, Sir Josh at Sir Moi) Sir, uuwi na po ako. Babyeeee! :3
Sir Mark: Uuwi ka na agad?
Lei: Opo sir, susunduin po kasi ako ni daddy.
Sir Moi: Daddy? o Hubby?
Lei: Daddy po talaga, kasama buong family. HAHAHA.

(Tas pinayagan na nila ako umalis. Nagmamadali akong bumaba para di ako malate sa meeting place)

Tas ayun, may good news sila. Staff nurse na si kuya! >:D< Yehey!! Nag celebrate kami, first time kaming ilibre ni kuya sa KFC. :) 

(Source: leeeeeyan)

Matagal na ‘to nag trend, pero ngayon palang ako mag popost. :3

300 baon ko pag pumupunta akong UST.

8 pesos tricyle palabas ng village, 24 pesos sa Gliner na bus hanggang Vicente Cruz, tas from Vicente mag jeep ako ng mga 7 pesos (studyante). Tas lakad ng onti tas UST na. Di ako nag babaon nun kasi pang gabi kami. Ang gulo ng oras. Kaya bumili kami. Madalas 60 pesos yung dinner/lunch namin. :) Tas everyday moonleaf kami ni Jelo. Hati lang kami sa malaki so bale tig 40 kame. 

Pauwi naman nilalakad lang namin mula UST hanggang Morayta, tas bus hanggang Countryside na 27 pesos. Tapos tric na 12 pesos. :)

Total Gastos: P178.00
Total Ipon: P122.00

Ipon sa isang week: Kapag tipid tipid mode, kaya ko maka 1K. :))

150 baon ko ngayon sa IBM. Malapit lang kasi ako. 

8 pesos tricyle, at 11 pesos Jeep. Andun na ako. Nag babaon ako ng lunch kaya walang gastos. Madalas bumibili ako ng 12 pesos na kape sa pantry. Pauwi naman, 11 pesos na jeep at 10 pesos na tric. :)

Total Gastos: P52.00
Total Ipon:  P98.00

Ipon sa isang week: Mga 300. :p

(Source: leeeeeyan)

Wala na, tag ulan na. :(

Papakulayan ko na lang siguro buhok ko bago mag pasukan. :)

(Source: leeeeeyan)

Ipambibili ko ng external hard drive. :p 1TB bibilhin ko. :)))))

Since madami akong mga series at movies na nakasave sa computer, sasabog na kasi computer ko, kaya yun ang bibilhin ko. :) 

Kesa naman damit or kung ano pa. Atleast yun kailangan ko. :)

(Source: leeeeeyan)

Ganito kasi yun, may nagpapatulong regarding sa printer chuva, e nasa bahay siya so binigay ko yung phone sa boss ko tas siya yung kumausap.

Parang kinikilig siya kasi ang baet daw. Tas sabi niya dun sa mga kapwa boss na chix daw yung kausap niya. Tapos sabi naman nina Sir Ariel, “Maganda ba boses? Kapag maganda boses panget yan.” Tas sabi ni Sir Josh (Siya yung kumasaup sa phone) “Panget boses.” (Tas nag YESSSS siya.) 

E panget boses ko. So ano logic? :p HAHAHAHAHA.

Seryoso ang pangit ng boses ko, so maganda ako. :)))))))))))))))))))

So kailangan madami pang sabihin e no? ;p

KBYE~

(Source: leeeeeyan)

Tagal ni kuya e. :( Kaya eto ako nag tatyaga mag post gamit ipod. :( Hmm. Ayun. May mapost lang. Haha.

Tag(s): #random

Ayan ang tawag sa’kin ni Jelo. Kasi hmm totoo naman. Lahat na lang iniisip ko negative. HAHAHA. Nung isang time, bumili siya nung scratch and win eckeck sa lotto, tas ako yung nag sascratch tas di ko pa nga nascascratch lahat e sinasabi ko na wala ng pag asa ‘to, ganyan ganyan.

Di ko rin alam kung ba’t ang nega ko e. Si Jelo lang nag bibigay ng positive vibes sa’kin. 

Ngayon, kung alam niya lang lahat ng nangyayari, di ko kasi sa kanya sinasabi kasi basta, secret muna. Ayun, panigurado sasabihin niya na ang nega ko ganyan. Di ko kasi siya makausap about dito kasi basta. 

Okay, wala kayong naintindihan dun sa huling part. Kasi pati kayo bawal malaman. 

Pero ayun, gusto ko lang sabihin na nag papaka positive na ako. Hopefully di na ako maging negative pagdating sa mga bagay bagay.

(Source: leeeeeyan)

Tag(s): #random

Hindi dahil mag ka away kami ni Jelo kundi dahil nappressure ako. Di ko pwede sabihin kung bakit ako na ppressure. Pero ngayon okay na ako. May tutulong na daw kasi sakin e. :) Sana maging maayos ang lahat. 

(Source: leeeeeyan)

Tag(s): #random

Tapos may biglang kumalabit sa’kin. Nagulat ako. Di ko kasi siya kilala. Tas sabi niya. “Papicture.” Parang ganon. Tas binigyan ko siya ng ? face. Tapos ayun daw taga tumblr. 

Hihihi. Ewan ko pero first time ko kasi may ganon e. :p HAHAHAHA. Kilig naman ako. :”>

Anyway, tag mo na lang para makita ko. :p HAHAHA. :))

(Source: leeeeeyan)

Di kasi ako sumama sa meeting nila e. Umuwi kasi ako agad. Bawal na daw mag tumblr/facebook, or kung anu ano pa kapag office hours. :’(

I’m sad. Pano na lang kapag wala na ginagawa. Oh noes. :(

Siyempre nakapag type ako ngayon ng post kasi walang boss ngayon. :>

(Source: leeeeeyan)

Tag(s): #sad #random

Kasi inaantok na ako pag dating ko sa bahay at mas gusto kong matulog na lang. :> HAHAHA. Nakakapag backread parin naman ako e. :”>

Pag wala na ginagawa sa work ko, nag babackread ako sa tumblr. :)

Madalas nagdodota na lang rin ako paguwi, kapag online na mga kalaro ko. HAHAHA. Or nanunuod ng Friends.

Ganon lang, paulit ulit lang. :)

(Source: leeeeeyan)

Tag(s): #random #:)

Ewan ko ba kung anong meron sa araw na ‘to.

Pero simula kanina pa kasing umaga e. HAHA.

Nung lunch break, nakaen ko na yung baon ko. Tas nagtake out sina Moi ng mcdo, yun kasi yung lunch nila. Tapos super duper large fries yung inorder nila. E sakto katabi ko siya tas binigyan niya ako.

Tas nung merienda naman, bumili rin sina Jedd, Eia at Matet sa Mcdo, tas dinala ule nila sa office. 4 na large fries, nabigyan nanaman nila ako.

Tas ngayon gabi naman, nag order online si kuya sa mcdo.

OMG! :”>

Wala akong ginastos pang mcdo pero nakakakaen kao. ♥ HAHAHAHA.

(Source: leeeeeyan)

Tinapos na kasi agad namin yung mga kailangan gawin e. Kaya ayun.

Kaantok nga e. -_____- Zzz.

(Source: leeeeeyan)

K. HAHAHAHA. I don’t care.

Tumutulong na nga. Anong gusto niyo mangyari? Patuloy siyang mag bulag bulagan. Tapos sa huli masasaktan lang din siya. Ano yun? Papatagalin pa? E sa simula palang alam naman na niloloko siya.

HAHAHA.

(Source: leeeeeyan)

 stalker(s)