Wag kayo maniwala dun.
Ang kapal pa ng mukha niya, ginagamit pa niya iTouch ko.
Sorry a? Inis na inis lang ako sa kanya. Kaya nag rarant ako ngayon dito. HAHAHA. Pagbigyan niyo na ako. Sana malipat na ako kapag dumating na yung mga bagong intern.
Hays.
Anyway, mahal na mahal ko yung boyfriend ko. PERIOD. :)
(Source: leeeeeyan)
Wala naman siguro yun tumblr no? Unless stalker ko siya. HAHAHAHA.
So may Technical Writing Prof kami na kinaiinisan ko, di lang siguro ako. Ewan ko lang sa iba kong mga classmates. Kanina kasi, nag defense kami.
Ang dami niyang comment after.
Unang una, nagbabasa lang daw kami, di daw report tawag dun ganyan ganyan. E excuse me, kapag nagsasalita kami na hindi binabasa report namin from the powerpoint di naman siya nakatingin, ewan ko lang kung yung nakikita niya lang yung part na sumusulyap na kami.
Pangalawa, nagagalit siya kasi chapter 1 lang daw pinasa namin. E siya nga ‘tong ayaw kunin yung Chapter 2 namin kasi dami daw revision na need pang ayusin sa Chapter 1, tas siya ‘tong nag sasabi ng kung anu ano sa harap ng mga classmates ko. Bwisit. Tas kapag may pinarevise naman siya, sinusundin namin tas biglang naayos na namin tas yung mismong pinarevise niya, papaiba nanaman. WTF? HAHAHA.
Pangatlo, Di daw kami pumapasok sa class niya, kaya di daw namin alam nakalagay sa mga paper. E grabe pala siya e, araw araw kaya kaming pumapasok sa klase niya. Ewan ko lang dun a?
At tsaka Ma’am, may nahanap kami sa kaibigan naming si GOOGLE. May kaso ka pala sa UST e, Doctor ka pa naman.
/Muntik ko na pala siyang sagutin kanina sa sobrang inis ko. HAHAHAHA. Kbye!
Mag papaparty nga pala siya sa friday, ewan ko kung ano naisip nun.
EDITED: Wag daw kami mag expect na parang mataas grade namin, ganyan ganyan. Baka nga bumagsak pa kami e. DUNNO.
(Source: leeeeeyan)
Keso hayaan na lang ang mga tao na ifollow sila kasi gusto blog nila, hindi dahil sa mga promo promo.
Pero ang nakikita ko sa mga nag eexchange ng blogs e, pinopromote nila sarili nila.
Kbye.

(Source: leeeeeyan)
Sorry guys rant na rant na ako e. HAHAHAHA.
(Source: leeeeeyan)
May nag chat sa’kin hello. tas sabi ko ye? tas sabi niya palike chuchu. Wala namang problema sa’kin mag like ng mga contest or kung ano mang pinapalike niya. Kaso pag tingin ko ng link, profile picture niya pala yung pinapalike niya. Tas naka 50+ likes na, tas tinignan ko yung comment pinapasalamatan niya lahat nung mga nag like tas nakatag pa yung person na yun.
Grabe lungs. Bedan ka pa naman. </3
(Source: leeeeeyan)
Ang dami kong gustong kausapin, pero ayun nga WHOA there na ako. </3
(Source: leeeeeyan)
Di ako maka ubo ng maayos. Kada exhale ko sumasakit. OMG OMG.
Kagabi ko pa ‘to nararamdaman e. Akala ko mawawala agad. Pero buong araw ko na siya nararamdaman. :|
(Source: leeeeeyan)
Grabeeeeee! Nabiktima nanaman ako! :( May pinost naman ngayon si Jelo, nilakasan ko pa sounds kasi di ko marinig.
TAMPO. -_________-
(Source: leeeeeyan)
DAFUQ.
(Source: leeeeeyan)
Yung nakita pa namin yung pakaw. :( Grabe.
(Source: leeeeeyan)
Di ko tuloy alam kung anon grade ko sa CS101 lecture. :(
(Source: leeeeeyan)
May mga tao talaga na kokopyahin yung mga mismong salita mo. Nakita ko ‘to kanina nina lang, cinopy niya at pinaste niya siguro sa notepad niya yung gawa ni Jelo para sakin na “100 reasons why i love her” na post ni Jelo. Nakakatampo lang kasi, wala man lang siya ka effort effort kasi kokopyahin niya lang.
Anyway.
Ayaw ko na mag salita about sa issue na ‘to. HAHA. :D
Dumating nanaman yung araw na pinaka ayaw ko sa buong buwan, yung araw na nagkakaroon ang isang babae.
Kanina SCL, may tatlong subjects pa bago mag uwian. Grabe, tampo talaga ako nun. Parang ang tagal tagal ng oras. Ang sakit sakit. :| Medyo kaya ko pa, katabi ko non si Jelo.
Tas eto na, CS101. Reporting, e may seat plan don. Ang layo layo ko lang kay Jelo, tas sabi niya. “Malapit lang ako.” tas sabi ko, “Ay oo, ikaw mag rereport.” Tapos iniisip ko na kung magpapaalam ba ako kay sir tapos punta ako sa Health Service, kaya lang. Di ako makahanap ng tiyempo hanggang sa matapos na ang CS101.
CS103 na, pumunta ako sa CR. Tapos hinantay ako nina Jeli, Jvam at Jelo sa labas ng CR. Tapos nahalata na ni Jvam na di ako okay. Di na ako nakapag paalam. Umuwi na ako non, kasama si Jelo. Hindi na ako nakapag CS103.
Sa bus, tulog ako mula LEGARDA hanggang sa malapit ng bumaba ng BUS. :)
(Source: leeeeeyan)